The Hopia ‘Lympics.
Inimbento noong gabi ng Mayo bente-uno noong tinopak ang mga walang magawang 49 Ricardo kids para mapahagis-hagis ang mga kawawang nabulok na mga hopiang matagal nang nakatago sa kanilang ref.
Modesty aside, ako ang nagpasimuno ng mga dakilang hoipa games na ‘to. Noong mga alas-otso y medya noong gabing yuon, nakaupo ako sa nilabas sa kalsadang foldable chair, nagsusulat (haply possessed again by the influence of Christine del Prado (don’t ask)), dinadaan-daanan ng mga tricycle, at nagutom. Pumasok ako para maghanap ng puwedeng makain sa loob ng ref at nakita ang isa sa mga hindi pa nabubuksang pakete ng hopia. Wow, hopia. Binuksan at kinain, me nalasahang kakaiba, nagsinungaling sa Ate para matikman at madetect ring me problema ang hopia. Tiyak na bulok na nga ang pagkaing mana ng mga Intsik. A spur of the moment act: hinagis ang tirang kalahati sa kahabaan ng kalsada, pa-doon sa me puting van. So dawned the idea.
"Roya, ba’t di ako makukunsiensya pag pinagtatapon ko yung mga hopiang bulok sa kalsada?"
"Ewan ko… kawawa naman. Alam ko, drawingan mo ng pakwan–"
"Alam ko na! Palayuan ng tapon ng hopia!"
*pause*
"Sige!"
Palabas ng bahay, nagkataong nakasalubong si Ateng pabalik na ng kuwarto niya.
"Te, tara! Palayuan ng tapon ng hopia!"
Walang choice si Ate kundi sumama sa amin, at yuon. Yuon. Simula.
…
Malamang ako talo. Kelan pa ba hindi? Ako naman laging nasa huli, huling matapos kumain, kulelat sa racing, pati sa academic achievements walang laban sa kanila. Nakailang rounds rin kami, sa isa pa nga lumabas si Mama at kin-laim ang huling amo-less na hopia, tinalo rin si Roy after his straight winning.
Siguro nawalan na ng gana, pinropose ni Roy i-change na yung laro into target practice. Kung sino mang nag-coin ng term na Hopia ‘Lympics, hindi talaga alam, pero bet ko si Ate, kasi madaya si Roy. Isang minuto’y nagakapikunan kami’t nagbatuhan ng mga hopia sa mga leeg ng isa’t isa. Ang daya niya kasi eh. Kung paano, huwag mo nang tanungin. Ang ingay rin namin, mga mag-aalas-diyes, nagtitilian parin kami sa labas, kawawang mga kapitbahay. But then again, no.
"Target Practice" (hindi ako nagisip ng title) Simple lang ang rules: from a given distance, i-knock-off ang empty Coke bottle sa upuan gamit ang hopiang panira, tas parang pepsi-seven-up; sa bawat tama, mag-momove back sa susunod na point na nag-iindicate ng panibagong lebel, mas malayo, mas mahirap.
Tumagal-tagal ang laro. Mas maraming tili ang narinig, mga lack of sportsmanship na na-witness, mga tricycle na dumaan, mga hopiang naglanding sa dustpan na me "barbecue sauce", mga styles na inexplore… you get the point. Sa huli, gratefully, tie ang lahat sa level four. Pero, pag kinompute mo yung scores according to how soon we leveled-up, si Ate champion tas ako tas, gratefully, si Roy. Yes! Hindi ako talo!
Tapos, inutusan si Roy ni Mama "Buy Me" daw, at alam nating lahat ang ibig sabihin nun (Sigs). Sinamahan na rin namin ni Ate ang bebe para … ewan. Para masaya? Ewan. Basta, yun nangyari.
Sa intermission na yun (kung matatawag siyang intermission), nauso ang "Credit Card", pag-uubo, paggawa ng mga dikarespe-respetong tunog pagdaan sa me guard, at ang sayaw na Crazy Horse (hehehehe).
Pagbalik, nakalimutan na ang mga hopiang nakakalat sa sahig ng grahe at bumalik sa kanya-kanyang mga mundo. Kawawang mga hopia. Sino kayang kakain sa kanila?
Trivia (I): Habang naglalaro ng Palayuan Ng Tapon Ng Hopia, ang pusa naming puti ang nag-serve na indicator kung nasaan nagland ang hopiang itinapon by turn. Hinahabol niya! Go, pouncing white pretty kitty! Meeeiiww!!!
Trivia (II): Bago matulog (nakitulog si Ate sa kuwarto kasi me flying ipis sa kuwarto niya), nagtext si Patotots kay Ate na dapat nag-Hop(ia)scotch kami. Tas sabi ko, puwede rin sipa (tas nagdemo si Ate), tas sabi ni Ate… eeeh. Nakalimutan ko kung anong sinabi ni Ate. Basta, yun.
Hindi pa po tapos ang Hopia ‘Lympics sa ganung paraan lang sapagkat hindi naman yuon ang huling pakete ng hopiang mabubulok sa ref ng mga taga-49 Ricardo. Mahaba pa ang journey. Marami pang posibilidad na maaaring subukan. Me mga downside lang nga: baka mainteresan naming paglaruan ang iba namang klaseng bulok na pagkain, tulad nalang ng… (hehe) kinalawang nang balikbayan box canned olives, o di naman pandesal na me amag na. Hm.
For comments and suggestions, please email me at crusadeagainstnormality@gmail.com. We would appreciate any –YES ME Y!M NA’KO ULI!!! *cut*
To be continued.