May Naligaw Na Bagong Nilalang

Ayan. Marahil, ikaw na nilalang na nilika ng Diyos ay nagtataka kung bakit ako, na si Anna Graziella Barreno y Jardin ay naligaw sa blog ng aking soulmate ng si Pristine Alexis. :) Hindi ko alam kung anong topak ng kaibigan kong ito, pero pinasasalamatan ko naman siya at ibinigay niya sa akin ang kanyang tiwala. Ngayon, alam ko na ang username at password niya kaya humanda na lang kayo sa mga susunod ko pang mga entries dito sa mumunting mundo niya sa Friendster.

Oo nga pala, kapag hindi kayo nag-comment… Body slam na lang kapag nagkita tayo mga tsong! Hahaha. :))

Alam niyo bang nasayang lang ang punta ko kanina sa UP Manila? Bakit kamo? Wala kasi akong nakuhang classcard eh. Kahit isang kulangot na classcard. Wala. Zero. Nah. Empty set! Wala talaga. Nakakapanlumo. Nasayang lang yung pamasahe ko papunta doon. Sana pinambili ko na lang ng donut. Yung sa Hot Loops. Nakaka-adik kasi eh. Dalawang linggo ko na siyang kinakain na hapunan. Kaya ‘wag kayong magtataka kung mapagmasdan niyo ako mukhang kawala sa Mandaluyong Mental Hospital dahil ako ay sugar high. Subukan niyo rin kaya ng malaman niyo ang sinasabi ko.

Sasamantalahin ko na ibuko ang kaibigan kong si Pish. Haha. Mayroon kasi akong autograph book noong Grade 3 pa lamang kami. At hindi niyo aakalain na mga ganitong bagay ang maiisip niyang isulat. :)

Hobbies: Watching TV

Books: Books by Roald Dahl

Singer: The Corrs, B*Witched

Motto: Many

Color: Green, Blue

Perfume: Dono

Dislikes: Roy, rat, worms and snakes

Likes: Dogs

Favorite Outfit: Tin Dogz Attire

Cartoon Character: Ghost Busters, Arthur

Radio Station: Cool 106

T.V Program: Arthur, The Extreme Ghostbusters

What is love: Love is for the first time.

Lagot tayo diyan! Baka kapag nagkita kami nitong babaeng ito sa Lunes, abut-abot na sermon at sapak ang abutin ko. Pero ayus lang, mahal ko ‘yan eh! Sa haba-haba ng panahon na kakilala mo ko, hindi mo na matatago sa akin ‘yan! :D Hindi mo rin pwede itanggi dahil nasa akin ang prueba.

Sige, hanggang dito na lang muna. Sa susunod na manggulo ako dito sa blog niya, mas makulit na entry pa masasaksihan niyo.

At teka, pagkakataon ko na rin pala i-promote yung LJ ko… http://pastelwinkle09.livejournal.com

Bisita kayo ha! :D

3 Responses to “May Naligaw Na Bagong Nilalang”

  1. Nadine Says:

    nyahaha, anna gee. grabe, natawa naman ako dun sa what is love. parang bitin yung sagot ah. master! ano na ngayon ang definition mo ng love? :P

  2. alt Says:

    You’re asking me for my definition of love?

    Should I answer it..?

    Heck, it’s Nadine, I should! :D And I’m not just giving a definition, I’m giving an encyclopedia entry!

    Love is simply a feeling of attatchment which is dealt with in different manners. Romantic love (for humans and only humans especially with the last item) is all about attraction, wanting to be near the other, and feeling more or less the same thing from the other. The other types of love (filial, parental, national, etc.) are common but not as focused on as romantic love. Selfless love, however, is probably the most powerful type of love there is. It is basically feeling love without any thought about what one’s self would get in return for feeling it, giving love that’s completely for another/others to decide what to do with.

    I hope that’s enough. I can’t believe I still have so much to say, but this comment can’t be too long…

    Anna Gee, I wuv you

  3. Nadine Says:

    that’s it. i’m putting up the meaning in my compilation. :D

Leave a Reply