Ayan. Marahil, ikaw na nilalang na nilika ng Diyos ay nagtataka kung bakit ako, na si Anna Graziella Barreno y Jardin ay naligaw sa blog ng aking soulmate ng si Pristine Alexis.
Hindi ko alam kung anong topak ng kaibigan kong ito, pero pinasasalamatan ko naman siya at ibinigay niya sa akin ang kanyang tiwala. Ngayon, alam ko na ang username at password niya kaya humanda na lang kayo sa mga susunod ko pang mga entries dito sa mumunting mundo niya sa Friendster.
Oo nga pala, kapag hindi kayo nag-comment… Body slam na lang kapag nagkita tayo mga tsong! Hahaha. :))
Alam niyo bang nasayang lang ang punta ko kanina sa UP Manila? Bakit kamo? Wala kasi akong nakuhang classcard eh. Kahit isang kulangot na classcard. Wala. Zero. Nah. Empty set! Wala talaga. Nakakapanlumo. Nasayang lang yung pamasahe ko papunta doon. Sana pinambili ko na lang ng donut. Yung sa Hot Loops. Nakaka-adik kasi eh. Dalawang linggo ko na siyang kinakain na hapunan. Kaya ‘wag kayong magtataka kung mapagmasdan niyo ako mukhang kawala sa Mandaluyong Mental Hospital dahil ako ay sugar high. Subukan niyo rin kaya ng malaman niyo ang sinasabi ko.
Sasamantalahin ko na ibuko ang kaibigan kong si Pish. Haha. Mayroon kasi akong autograph book noong Grade 3 pa lamang kami. At hindi niyo aakalain na mga ganitong bagay ang maiisip niyang isulat.
Hobbies: Watching TV
Books: Books by Roald Dahl
Singer: The Corrs, B*Witched
Motto: Many
Color: Green, Blue
Perfume: Dono
Dislikes: Roy, rat, worms and snakes
Likes: Dogs
Favorite Outfit: Tin Dogz Attire
Cartoon Character: Ghost Busters, Arthur
Radio Station: Cool 106
T.V Program: Arthur, The Extreme Ghostbusters
What is love: Love is for the first time.
Lagot tayo diyan! Baka kapag nagkita kami nitong babaeng ito sa Lunes, abut-abot na sermon at sapak ang abutin ko. Pero ayus lang, mahal ko ‘yan eh! Sa haba-haba ng panahon na kakilala mo ko, hindi mo na matatago sa akin ‘yan!
Hindi mo rin pwede itanggi dahil nasa akin ang prueba.
Sige, hanggang dito na lang muna. Sa susunod na manggulo ako dito sa blog niya, mas makulit na entry pa masasaksihan niyo.
At teka, pagkakataon ko na rin pala i-promote yung LJ ko… http://pastelwinkle09.livejournal.com
Bisita kayo ha!